Viral

Grab driver nakatanggap ng totoong pera mula sa bayad ng misteryoso niyang pasahero na naging mga tuyong dahon pagbaba nito!



Sa kabila ng modernong teknolohiya at pamumuhay natin sa ngayon ay hindi natin maipagkakailang marami pa ring mga nakakapangilabot na mga bagay ang nangyayari sa araw-araw. Maaaring marami sa atin ang talagang nakakaranas ng mga ito ngunit hindi na lamang natin masyadong pinapansin habang mayroon namang iilan na batid talaga ang nangyayari sa kanilang kapaligiran.

Nakakatakot man ang mga ganitong insidente ay sinisikap pa rin nating maging matapang at magkaroon ng matatag na pananampalataya sa Diyos. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kwento ng isang lalaki na ito na isang Grab driver matapos niyang maranasan ang isang pangyayaring talagang magpapatayo sa inyong mga balahibo.



Ayon sa kwento ng Malaysian driver na ito ay namamasada siya noon isang gabi nang mayroong isang misteryosong babaeng sumakay sa kaniyang sasakyan. Sa bandang likuran ito sumakay at habang binabaybay nila ang patutunguhan ng kaniyang pasahero ay labis ang naging pagtataka niya dahil sa tawa ito ng tawa buong biyahe nila kahit pa nga wala naman itong ibang kasama o katabi at wala rin naman siyang kausap sa kaniyang cellphone.

Hinayaan na lamang ito ng driver dahil sa wala pa namang ginagawang masama ang misteryosong pasahero niya sa kaniya. Hanggang sa nakarating na sila sa destinasyon ng babae, nagbayad ito sa kaniya ng $2 na agad naman niyang kinuha at isinilid sa kaniyang pitaka. Nang umuwi na ang driver at binilang ang kaniyang kinita sa buong araw na pamamasada ay laking gulat nito dahil sa kulang ang kaniyang dapat sana ay kita ng buong araw.

Nakita na lamang niya sa kaniyang pitaka ang walong piraso ng mga tuyong dahon na sa kaniyang pakiramdam ay mula sa naging misteryosa niyang pasahero. Maraming mga netizens ang kinilabutan sa nangyaring ito sa Grab driver ngunit mayroon din namang ilan na nagsasabing maaaring ginamitan siya ng “hypnosis” ng kaniyang naging pasahero.



Ano man ang katotohanan sa likod nito ay magsilbi sana itong aral para sa ating lahat lalo na sa mga taong namamasada sa gabi.