Showbiz, Viral

Gabbi Garcia, ibinahagi sa publiko ang napaka-cute niyang mga larawan noong bata pa siya!



Si Gabriella Louise Ortega Lopez o mas hinangaan ng publiko bilang si Gabbi Garcia ay 21 taong gulang na aktres at recording artist. Isa siya sa mayroong pinakamagandang mukha sa showbiz. Isa sa pinakatumatak niyang karakter ay ang pagganap niya bilang si Sang’gre Alena sa Encantadia.

Naipamalas niya sa publiko ang pambihirang dedikasyon at pagmamahal niya sa pag-arte. Isa rin siya sa ilang mga celebrity na nagtataguyod ng pagmamahal sa sarili kahit pa nga morena ang kulay ng kanilang balat.



Karamihan kasi sa mga artista ay mapuputi at makikinis mula ulo hanggang paa pero para kay Gabbi ay talagang mahal niya ang kaniyang sariling katawan at ang kaniyang kulay kayumanggi. Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng ilang mga larawan niya noong bata pa siya at noong siya ay nasa hayskul na.

Talaga namang lutang na lutang ang natural niyang kagandahan. Noon pa man ay talagang mala-artistahin na ang kaniyang mukha kahit nga wala pa siyang make-up sa kaniyang mukha.

“Nene days” at “School days” ang inilagay niyang caption sa mga ito. Hindi naman din ito nakaligtas sa matalas at mapanuring mata ng maraming mga netizens.



Maraming nagsasabing wala namang ipinagkaiba ang hitsura ni Gabbi noong bata siya, noong hayskul siya at kahit ngayong artista na siya. Nagpapatunay lamang ito na noon pa man ay iniingatan at inaalagaan na niya ang kaniyang kutis at pangangatawan.

Ngayon nga ay pinasok na rin ni Gabbi ang pagba-vlogging na talaga namang ikinatuwa ng kaniyang mga tagahanga. Dahil sa mas makikila nila ang kanilang idolo at mas madalas nilang mapapanuod sa kaniyang YouTube channel.



Tulad ni Gabbi, maraming mga kababaihan din ang isinilang at lumaking morena. Maraming mga tao ang nagpapayo at nagsasabing kailangang may mala-porselanang kutis ang isang babae para lamang masabing maganda ito. Ngunit para kay Gabbi ay maganda na siya dahil sa kulay ng kaniyang balat na kayumanngi.