Viral

Estudyante, nagkamit ng parangal dahil sa napakaganda niyang penmanship na tila ba isang computer font!



Sa nakagawian ng maraming mga Pilipino, ang mga kabataan ay maagang nagsisimula para sa kanilang edukasyon. Sa murang edad ay talagang nagsasanay na silang sumulat at bumasa.

Hindi lahat ay nagiging bihasa rito ngunit sa paglipas ng panahon ay talaga namang nakakasanayan na rin nila ang sumulat at bumasa ng maayos. Aminin man natin o hindi, marami sa atin ang talagang nagnanais na magkaroon ng magandang “penmanship” o paraan ng pagsusulat.



Hindi rin kasi magandang tingnan ang pangit na sulat lalo na kung ikaw ay isang propesyonal. Tila ba ang pagsusulat na ito ang salamin ng marami sa atin upang husgahan ang kanilang kapwa. Mas magandang paraan ng pagsulat ay mas maganda at maayos na personalidad ng isang tao.

Habang para naman sa mga taong hindi maganda ang pagsusulat ay madalas na sinasabihan na burara at hindi matiyagang mag-aral. Sa kabila ng mga opinyong ito ng publiko ay aakalain ba ninyong mayroon palang isang mag-aaral na nakatanggap ng parangal dahil sa napakaganda nitong “penmanship”.


Tila kasi isang computer font ang kaniyang pagsulat kung kaya naman hindi mapigilan ng kaniyang mga kaibigan, kamag-aral at mga guro na bumilib sa kaniya. “Best Handwriting in the World” award ang natanggap ng mag-aaral na si Prakriti Malla, isang year 8 student mula sa Sainik Awasiya Mahavidyalaya sa Nepal. Inakala noong una ng publiko na hindi totoong sulat-kamay ito ng estudyante dahil nga sa napakaganda ng pagkakagawa nito na para bang inilabas lamang sa isang computer.

Pinatotohanan naman ito ng mag-aaral na siya mismo ang sumulat nito. Para sa kaniya ay importante sa kaniya ang magandang pagsusulat dahil sa ito ay pinagbabasehan ng iba upang husgahan ang mga tao sa kanilang paligid.

Dahil nga rito ay mas maraming mga tao pa ang nabigyan ng inspirasyon na mas magpursige pa sa pag-aaral, gayundin sa pag-aayos at pagpapaganda ng kanilang sulat-kamay.