Viral

Delivery rider, sinagip ang isang kuting upang hindi ito maaksidente sa kalsada!



Tayong mga Pilipino, tiyak na marami sa atin ang mga “certified animal lovers”. Aminin man natin o hindi ay talagang malambot ang puso natin pagdating sa mga hayop lalo na yung mga hayop na inaalagaan na natin noon pa man.

Marahil marami sa atin ang nagkaroon na ng mga alagang hayop tulad na lamang halimbawa ng pusa, aso, ibon, isda, hamster at marami pang iba. Mayroon pa ngang ilan sa atin na ang turing sa mga alaga nating ito ay bahagi na ng ating pamilya.



Madalas mayroon silang sarili nilang mga pagkain na talagang mas mahal pa kumpara sa ating mga kinakain, mayroon din silang sarili nilang tulugan, inuman o di kaya naman ay sarili nilang “space” sa bahay. Talaga namang napakasayang makitang ligtas at masaya ang mga alaga nating hayop.

Ngunit hindi lahat ng hayop ay ligtas sa kapahamakan tulad na lamang halimbawa ng kuting na ito na nasa gitna ng magulong lansangan. Disgrasya lamang ang mangyayari sa kaniya rito.

Buti na lamang at mayroong isang delivery rider na nagmalasakit sa pusa na ito at agad siyang dinampot upang hindi siya masagasaan ng mga humaharurot na mga sasakyan. Nakuhanan siya ng netizen na si Keena Marie Rafer Martinez na siyanag nagbahagi ng kaniyang larawan sa social media.



Inulan ng maraming papuri ang lalaking ito at talaga namang marami ang humanga sa kaniya dahil sa kaniyang ginawa.


Narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizens:
“Saludo ako sa ‘yo sir dahil hindi lang basta kuting ang binigyan mo ng pagmamahal kundi binigyan mo ng halaga ang buhay na nilikha ng ating Panginoon Diyos,” Pahayag ng isang netizen.

“As a cat lover, this is so heartwarming. Thank you Kuya. Sana mas marami pang magmalasakit sa mga strays. Hindi lang naman sila ‘hayop’ lang, mga nilalang rin silang may nararamdaman. Hindi kayo magsisisi if you choose to adopt strays whether be cat or dog. They’ll give you all the love they can offer.” Komento naman ng isa pa.

“We can judge the heart of a man by his treatment of animals. Kasi it is so easy to be good to people, but it takes a pure heart to extend that same goodness to animals. Salute to all who are like this Kuya,” Turan pa ng isa.