Viral

Carlos Agassi ipinakilala na sa publiko ang kaniyang napakaganda at napakaseksing nobya!



Si Amir Carlos Damaso Vahidi Agassi o mas nakilala ng publiko bilang si Carlos Agassi ay 40 taong gulang na aktor, TV host, rapper, modelo at negosyante. Una na siyang nakilala ng publiko bilang miyembro ng “The Hunks” kasama sina Carlos Agassi, Diether Ocampo, Bernard Palanca, Piolo Pascual at Jericho Rosales.

Naging “primetime actor” din siya noon kung saan nakatambal niya ang aktres na si Claudine Barretto sa teleseryeng “Sa Dulo ng Walang Hanggan” mula taong 2001 hanggang 2003. Lingid sa kaalaman ng publiko ay sa murang edad na 16 taong gulang ay nagwowork-out na ito kung kaya naman hindi na nakapagtatakang hanggang sa ngayon ay napakaganda pa rin ng kaniyang pangangatawan.



Tinawag din siyang “The Prince of (Philippine) Rap” ng publiko. Kalagitnaan naman ng taong 2000 nang tumigil muna sa paggawa ng mga proyekto si Carlos upang tapusin ang kaniyang kursong Psychology sa De La Salle University.

Nakapagbukas na rin siya ng sarili niyang restawran, ang “Brasas” na isang Latin-American inspired restaurant sa Metro Manila. Ang pagmamay-ari niyang recording studio ay nakilala sa pangalang “Amir Carlos Agassi, Inc.”

Pagdating naman sa buhay pag-ibig ng aktor ay tila hindi ito naging masyadong makulay ng mga nagdaang panahon dahil sa hindi na natuloy ang dapat sana ay pagpapakasal nila ng nobya niya noong 2013. Ang nobya niya noon ay isang Filipino-British na modelo at dating Pinoy Big Brother housemate na si Margo Midwinter.



Nakarelasyon niya din ang modelo at aktres na Gwen Garci ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan. Sa ngayon nga ay mayroon nang bagong pag-ibig si Carlos sa katauhan ni Sarina Yamamoto.

Ayon sa naging latest social media post ni Carlos si Sarina na ang bago niyang pag-ibig ngayon at ang nagbibigay ng kulay sa kaniyang buhay. Talaga namang napakasweet ng mga posts ng dalawa at kitang-kita sa kanilang mga mukha ang tunay na kaligayahan kasama ang isa’t-isa.

Sadyang napakaganda at napakasexy din ni Sarina habang nakasakay sa mamahaling mga sasakyan kasama si Carlos.