Showbiz, Viral

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz namataang magkasama sa Batangas, bagong proyekto na nga kaya ito?



Sino ba naman ang makakalimot kay Basha at Popoy? Ang maga sikat na karakter sa pelikulang “One More Chance” noong taong 2007.

Talaga namang marami ang kinilig at napamahal sa kanilang tambalan ngunit hindi tulad ng ibang mga love team na maging sa tunay na buhay ay mga magkarelasyon din, mas minabuti nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na maging magkaibigan na lamang. Malapit ang dalawa sa isa’t-isa kung kaya naman hindi rin maiiwasang tuksuin sila ng iba pa nilang mga kaibigan at kakilala dahil sa talagang bagay naman sila sa isa’t-isa.



Maaalalang nagkaroon ng relasyon noon si John Lloyd sa aktres at modelong si Ellen Adarna kung saan nabiyayaan sila ng isang anak, si Elias Modesto. Si Bea naman ay mayroong kinasangkutan na kontrobersiya noong kung saan tila naranasan niya ang ma-ghosting ng kaniyang dating nobyo na si Gerald Anderson.

Naugnay ang pangalan ni Gerald at Julia Barretto sa isa’t-isa dahil sa nagkagustuhand diumano ang dalawa habang gumagawa sila ng isang pelikula. Hindi man sila umamin sa naging tunay nilang relasyon ay mas pinili na lamang ni Bea na mag-move on at maging masayang muli sa kaniyang buhay kahit pa niloko siya ng dati niyang minamahal.

Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang maging laman muli ng balita sina Bea at John Lloyd dahil sa pagiging sweet ng dalawa sa isa’t-isa. Pareho silang “single” sa ngayon kung kaya naman dinadalangin ng maraming mga netizens na “sana sila na lang”, “sana sila na lang ulit!”



Kamakailan lamang ay namataan na naman ang dalawang magkasama sa Batangas. Marami ang nagsasabing magkakaroon na silang muli ng bagong pelikula. Ngunit paglilinaw naman ng isang “reliable source” ay hindi pala ito movie project kundi isang “surprise party” para sa malapit nilang kaibigan na si Dimples Romana.

Plano ito ng kaniyang mister na si Boyet para ipagdiwang ang kaarawan ng kaniyang asawa. Hindi man ito isang proyekto ay naging magandang balita na para sa publiko ang pelikula ng dalawa na naudlot dahil sa pandemya.

Ito ay gaganapin sa Florence, Italy. Posible ring magtambal ang dalawa sa gagawing proyekto ni John Lloyd sa TV5 sa darating na Disyembre.