Viral

Batang walang maayos na sapatos, nakapag-uwi pa ng tatlong medalyang ginto sa 400m, 800m, at 1500m niyang karera sa pagtakbo!



Marahil marami sa atin ngayon ang madalas ay nagrereklamo sa mga bagay na hindi natin makuha o sa mga bagay na hindi natin mabili. Lingid sa ating kaalaman ay maraming mga tao ang nagsusumikap sa buhay para lamang mabili ang mga bagay na nais nila ngunit kadalasan ay hindi sapat ang kanilang kinikita kung kaya naman nakukuntento na lamang sila sa kung anong mayroon sila.

Nakakalungkot mang isipin ngunit karamihan sa mga kabataan ngayon ay namulat na sa mga mamahaling bagay at sa iba pang mga materyal na bagay. Walang maayos na sapatos ang isang batang atleta na ito sa Iloilo, ngunit tila hindi ito naging balakid para makapag-uwi siya ng mga karangalan.



Nagwagi lang naman siya ng tatlong medalyang ginto sa 400m, 800m, at 1500m na race event na kaniyang sinalihan. Hindi biro ang ginawa niyang ito lalo na at wala siyang maayos na sapatos ng mga oras na iyon.


Ang pambihirang bata ay nakilala bilang si Rhea Bullos of Balasan, “improvised Nike shoes” man ang gami niya ay napatunayan naman nitong nasa kaniyang talento at kakayanan ang tunay na kahulugan ng kaniyang pagkapanalo. Siya ay lumahok sa “Schools Sports Council Meet” na ginanap sa Iloilo.

Marami sa kaniyang mga katunggali ang nakasuot ng mga branded o mamahaling mga sapatos na pangtakbo talaga habang siya namay ay nakasuot lamang ng “surgical tape” sa kaniyang mga paa na mayroon pang nakasulat na brand ng kilalang sapatos. Samantala ang mga daliri niya sa paa ay isa isang nakabalot ng naturang tape upang masigurado na kahit papaano ay hindi ito labis na masusugatan sa kaniyang pagtakbo.

Kahit pa nga mahirap ang kaniyang sitwasyon ay hindi niya kinaawaan ang kaniyang sarili. Hindi siya nanlumo sa kaniyang kalagayan bagkus ay mas nagkaroon pa nga siya ng inspirasyon upang lalo pa niyang pagbutihan ang kaniyang laban.