Viral

Aspin kasama sa online class ng kaniyang estudyanteng amo!



Dahil sa pandemyang kinakaharap pa rin natin hanggang ngayon, marami sa atin ang tila ba wala nang iba pang magagawa kundi masanay na lamang sa “new normal”kung tawagin ng nakararami. Isa na nga sa mga “new normal” na ito ang pagkakaroon ng klase na ginagawa na lamang online o di kaya naman ay sa pamamagitan ng mga modules.

Kamakailan lamang ay namangha ang publiko nang makita ng batang ito na nag-aaral habang katabi ang kaniyang alagang aso sa isang upuan. Hindi na lingid sa ating kaalaman ang “stress” na dulot ng bagong pamamaraan ng pag-aaral nating ito lalo na sa mga kabataang nasanay sa tradisyunal na pamamaraan ng pag-aaral.



Dahil dito ay napakalaking tulong ng mga alaga nating hayop. Tulad na lamang ng estudyanteng si Daniel na nasa ika-5 baitang na.

Kasama niya kasi ang kaniyang aso na si Peng habang siya ay nasa kanilang “online class”. Ang kaniyang ina na si Melody Soriano Pamplona mismo ang nagbahagi ng larawan ni Daniel at ng kaniyang isang taong gulang na asong si Peng sa “Facebook group of Aspin” o sa “Asong Pinoy lovers”.


Ayon sa ina ni Daniel, tila ba mayroong sariling kaisipan si Peng dahil sa umaalis naman ito kapag kailangan na niyang umalis lalo na kapag nakikita siya sa kamera. Talaga namang bumilib siya sa aso nilang ito.

“Kapag kailangan na po niyang umalis, aalis naman po kasi minsan nakikita siya sa camera.” Pahayag ni Melody.

Isa sa mga larawan nila ay nilagyan din ni Melody ng caption na “Ang tagal naman ng recess. Ma’am recess na po ba? – Peng”



Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens sa mga viral na larawan ng magkaibigang Daniel at Peng:

“‘Di ko nakikita aso ko magbehave nang ganito. Ang kulit nun! Bait naman ni doggie.” Komento ng isang netizen.
“May online class din siya! Gutom na agad, recess lang inaabangan ni doggy.” Pahayag naman ng isa.