Viral

Angel Locsin viral na naman sa social media dahil sa mga bagong kuha nitong larawan sa isa sa kaniyang mga proyekto!



Minsan nang naging biktima ng panghuhusga at panglalait ang aktres na si Angel Locsin dahil lamang sa kaniyang timbang at hubog ng kaniyang katawan. Matatandaang isa si Angel sa pinakamaganda at pinaka-sexy na aktres ng kaniyang henerasyon.

Sa katunayan ay maraming beses siyang tinanghal bilang “Top Sexiest Woman” ng isang sikat na magazine. Hindi rin naman kaila sa atin ang pambihirang husay niya sa pag-arte at maging sa paghohost.



Bagamat maraming mga tao ang hindi napapagod na magsabi ng mga negatibong komento patungkol sa kaniya ay hindi niya ito alintana. Mayroon pa rin namang mga tao na sumusuporta at nagmamahal sa kaniya sa kabila ng kaniyang pisikal na kaanyuan o timbang.
Nito lamang Oktubre 5, 2020 ay muli na namang nakuhanan ng ilang mga larawan ang aktres na kuha ng isang netizen sa harapan ng “Our Lady of Grace Parish” sa siyudad ng Caloocan. Ayon nga sa post ng netizen na si Angelica Santos ay talaga namang napakaganda ni Angel sa personal.

Dagdag pa niya sa kaniyang inilagay na “caption”: “Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin super gandaaaa”. Umani ito ng sari-saring komento mula sa mga netizens.

Mayroong ilan na hindi pa rin nagsasawang purihin ang 35 taong gulang na aktres sa angkin niyang kagandahan. Marami din ang nagkomento patungkol sa mga kabutihan at pagkakawang-gawa noon pa man ng aktres.



Ngunit mayroon ding mga netizens na tila kumukutya sa aktres kung paanong nangyari na sa halos apat na buwan ay tila mas dumoble pa raw ang timbang ni Angel! Naging tampulan man ng tukso ay hindi ito inaalmahan ng aktres.

Sadyang napakaraming mga tao ngayon na basta basta na lamang nagsasalita ng mga negatibong bagay at hindi iniisip ang magiging pakiramdam ng taong kanilang kinukutya. Marahil isa na rin itong paalaala sa ating lahat na kung wala rin naman tayong magandang sasabihin sa ating kapwa ay huwag na lamang natin ibukas ang ating bibig upang hindi na rin tayo makapanakit pa ng damdamin ng iba.