Showbiz

Anak nina Ruffa Gutierrez at Lian Paz, susunod nga ba sa yapak ng kanilang mga magulang sa showbiz?



Kagalakan at karangalan ng mga magulang ang mapalaking responsible at mabuting tao ang kanilang mga anak. Hindi madali ang maging isang magulang lalo na ang magpaka-magulang sa ating mga anak ngunit sinisikap nating maging karapat-dapat at mabuting magulang para sa kanila.

PHOTO/S: INSTAGRAM

Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam na makita mong lumalaki na ang iyong mga anak sa kabila ng maraming mga pagsubok na inyong pinagdaanan bilang isang mag-anak, o di kaya naman ay bilang isang single mom o single dad. Tulad na lamang ng dalawang sikat na celebrity na ito, sina Ruffa Gutierrez at Lian Paz.

Proud mommies ang mga showbiz personality na ito dahil sa napalaki nila ng maayos ang kanilang mga anak kahit pa nga hindi naging maganda ang kinahinatnan ng kanilang buhay may-asawa. Maraming mga netizens ang nakapuna sa angking kagandahan ng mga anak ni Ruffa partikular na ang kaniyang panganay na anak na si Lorin.



PHOTO/S: INSTAGRAM

Siya ay 17 taong gulang pa lamang ngunit talaga namang maalaga na siya sa kaniyang kalusugan at pangangatawan. Kitang-kita naman ang resulta nito sa kaniyang balingkinitang katawan.

Kung gugustuhin nga raw ng dalaga na maging isang artista ay talaga namang pwedeng pwede ito. Lalo na kung gugustuhin niyang sumunod sa yapak ng kaniyang ina na dati ring beauty queen.

Samantala, agaw-pansin rin naman ang mga anak ni Lian Paz na nakilala noon bilang isang dancer at aktres. Nabiyayaan sila ng dati niyang asawa na si Paolo Contis ng dalawang magagandang mga anak, sina Xonia at Xalene.

Si Xonia ay sampung taong gulang na habang si Xalene naman ay siyam. Kitang kita naman sa hitsura nina Xonia at Xalene na namana nila ang angkin nilang kagandahan sa kanilang mga magulang.

PHOTO/S: INSTAGRAM

Nang tanungin naman si Lian kung may posibilidad bang pumasok sa showbiz ang kaniyang mga anak, agad niyang sinabing medyo malabo pa ito dahil sa nakasentro ang atensyong kaniyang mga anak sa kanilang pag-aaral. Mahiyain din daw si Xalene dagdag pa nito.



Sa ngayon ay nasa ikalimang baitang na si Xonia at ikaapat na baitang naman si Xalene. Malki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil palaging “honor student” si Xalene.