Viral

Anak ng kasambahay ni Vice Ganda, naiyak dahil sa niregalo nitong laptop sa kaniya!



Mahirap makahanap ng magandang trabaho sa ngayon lalo na at mayroon pa rin tayong nararanasang pandemya. Kung kaya naman napakalaki nang biyaya para sa isang indibidwal ang mayroon siyang maayos na trabaho sa kabila ng mga pangyayaring nagaganap sa bansa at sa buong mundo.

Kamakailan lamang ay talagang hinangaan ng publiko ang mabuting gawi ng komedyanteng si Vice Ganda dahil sa pamamahagi nito ng tulong sa kaniyang mga kasambahay. Sa pinakabago niyang vlog sa kaniyang YouTube channel ay itinampok niya ang pagbibigay niya ng tulong sa kaniyang mga kasama sa bahay.



Isa nga sa mga anak ng mga ito ay nakatanggap ng isang bagong laptop mula sa batikang komedyante. Hindi na napigilan pa na maging emosyonal ng bata dahil sa kailangan niya talaga ito para sa nalalapit niyang pag-aarala (online class).


Ipinangako din naman niya sa iba pa niyang mga kasambahay na maging sila ay bibigyan din niya ng mga laptop para sa kanilang mga anak. Sa kabila ng napakahirap niyang sitwasyon ngayon matapos mawalan ng trabaho katulad ng iba pang mga artista ng Kapamilya network ay patuloy pa rin siyang nagsusumikap na mag-abot ng tulong at kasiyahan sa ibang tao sa abot ng kaniyang makakaya.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tagasuporta at tagahanga na pumanaw ang matalik niyang kaibigan kamakailan lamang. Ngunit sa kabila nito ay nananatili pa rin siyang positibo sa maraming mga bagay.

Napanuod din ng publiko ang naging “live interview” ni Vice sa kaniyang kaibigan at co-host sa “It’s Showtime” na si Billy Crawford. Nagpaalam kasi ito sa kanila dahil sa kinailangan niyang lumipat sa TV5 upang magkaroon siya ng mas maraming oportunidad upang makapagtrabaho lalo na sa ngayon na nakapanganak na ang kaniyang misis na si Coleen.



Kailangang kumita at mas masuportahan ni Billy ang kaniyang pamilya kung kaya naman masakit man para sa kaniya ay lilisanin na niya ang programang naging daan ng kanilang pagkakaibigan noon pa man.