Family, Viral

Aktor na si Gardo Versoza nasira ang bahay dahil sa bagyong Ulysses habang ang aktres naman na si Yassi Pressman ay inabot din ng baha na aakalain mong ilog sa lawak!



Talaga namang naging mapaminsala ang nagdaang bagyong Ulysses sa bansa ilang araw pa lamang ang nakakalipas. Hindi lubos maisip ng maraming mga pamilyang Pilipino na ganito pala katindi ang hagupit ng bagyong ito sa maraming mga lugar sa bansa.

Maraming mga bahay ang talagang nasira ng rumaragasang tubig-baha, mga bubong na nilipad ng napakalakas na hangin, mga punong natumba, at mga kuryenteng nasira. Mayroon ding mga taong nasawi, nasugatan at nawawala pa rin hanggang sa ngayon.



Nakakalungkot at nakakapanglumo ang pangyayaring ito ngunit nananatili pa ring positibo sa buhay ang mga taong labis na naapektuhan ng napakalakas na bagyo. Ilan na nga sa mga ito ay ang mga sikat na personalidad na sina Nadia Montenegro, Gardo Versoza, at Yassi Pressman.

Ibinahagi ni Nadia sa kaniyang social media account ang matinding sinapit ng kaniyang bahay dahil sa bagyo, pinasok kasi ng tubig-baha ang kanilang tahanan at talagang maraming mga gamit ang hindi na naisalba pa. Maging ang aktor na si Gardo Versoza ay talagang nanlumo din nang maging ang ikalawang palapag ng kanilang bahay ay abutin din ng baha at talaga namang masira ng tuluyan.


Sa kabila ng pangyayaring ito ay nanatili pa ring positibo sa buhay ang aktor. Sa katunayan nga ay mayroon pa siyang TikTok video kasama ang ilang mga tao na sumasayaw habang naglilinis.

Samantala, ang bahay naman ng “Ang Probinsiyano” actress na si Yassi Pressman sa Rizal ay talagang lumubog din sa baha. Laking pasasalamat na lamang niya at walang binawian ng buhay sa kaniyang mga mahal sa buhay at kasambahay.



Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kaniyang mga kasambahay dahil sa pagsasalba nito ng ilan sa mga kagamitan na kaya pa nilang iligtas ng mga panahong iyon. Talaga namang aakalain mong ilog ang labas ng tahanan ng aktres dahil sa napakalawak na pinsala ng baha dito.

Hinikayat din ni Yassi ang lahat na manatiling matatag sa napakahirap na sitwasyong ito at huwag kalimutang tumulong sa kapwa.