Viral

51-anyos na nanay, naging “surrogate mother” para sa kaniyang anak na hindi magkaanak!



Hindi madali maging isang ina, napakaraming mga mahihirap na pagsubok at pagsasakripisyo ang kakaharapin mo sa oras na maranasan mong maging isang ina. Sabi nga ng nakararami, kapag naging isang ina ka na ay hindi ka na magiging katulad ng dati mong sarili na tanging personal na pangangailangan lamang ang nasa isipan.

Mas inuuna mo na ngayon ang kapakanan at kaligtasan ng iyong mga anak at ng iyong sariling pamilya. Ito na marahil ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam na iyong mararanasan sa iyong buhay, ang maging isang magulang.



Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang kwentong ito ng isang mag-ina kung saan ang ina mismo niya ang naging “surrogate mother” para sa pinakahihintay nilang anak ng kaniyang asawa. Kahit pa nga 51 taong gulang na ang kaniyang ina ay naging matagumpay pa rin ang prosesong ito para sa kaniya.

Si Breanna Lockwood mula sa Chicago, Illinois ay 29 taong gulang na at sa mga nagdaang taon ay sinubukan nilang magkaanak ng kaniyang mister ngunit talagang hindi ipinagkakaloob sa kanila ng tadhana. Dalawang beses na siyang nakunan, naranasan na din niya ang “ectopic pregnancy” ng isang beses, at apat na beses din siyang nabigo sa prosesong “embryo transfer”.

Dahil sa napakahirap niyang pinagdaanan ay humingi na siya ng payo sa kaniyang ina na si Julie Loving, 51 taong gulang, kung dapat na ba silang humanap ng “surrogate mother” para sa pinakaaasam-asam nilang anak. Sa halip na humanap ng ibang babaeng magdadala sa sinapupunan nito ng magiging anak ng kaniyang anak at magiging apo niya ay napagdesisyunan niyang siya na lamang ang maging “surrogate mother” para sa bata.



Noong una ay hindi sang-ayon ang mag-asawa ngunit kalaunan ay pumayag na rin sila dahil sa malusog naman ang pangangatawan ng kaniyang ina na isa rin palang “marathon runner” at “triathlete”. Talaga namang hindi ordinaryo ang ganitong klase ng “set-up” para sa marami sa atin ngunit kapansin-pansin din ang dakilang pagmamahal ng ina para sa kaniyang anak at ang matinding respeto ng mag-asawa sa kanilang ina.